Jovelyn Galleno, may nakakita umanong nakasakay sa habang nakatulala?

Nakarating na sa pamilyang Galleno ang impormasyon na mayroon umanong nakakita sa nawawalang si Jovelyn Galleno sa bahagi ng Barangay Sta. Cruz, Puerto Princesa City.

Ayon kay Jocelyn Galleno, kahapon, August 17, 2022 nakaabot sa kanilang pamilya na mayroong isang witness na malapit sa pamilya ang nakakita di umano kay Jovelyn sakay ng isang pribadong sasakyan noong August 16, 2022.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Base umano sa salaysay, kinumpirma ng nakakita na nasa loob ng sasakyan at nasa front seat ang kanyang ate habang ito’y nakatulala at tila wala sa sarili.

Gayunpaman, bahagyang gumaan aniya ang pakiramdam ni Jocelyn at umaasang buhay at ligtas ang kanyang nakatatandang kapatid.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Samantala, pinabulaanan ni Jocelyn ang isyu na iniiwasan nila ang media kaugnay sa misteryusong pagkawala ng 22 anyos na ate.

Nanahimik lamang aniya sila ng panandalian at wala silang anumang tinatago sa publiko tungkol dito at ipinauubaya lamang nila sa pulisya ang pag-iimbestiga.