Nakakulong na ang isang Spike Roquero Lopez @ Spike matapos mahuli sa drug buybust operation ng pulisya sa Sampaloc Rd., Bgy. Santa Monica, Puerto Princesa City.
Ganap na alas-dos diyes ngayong hapon ng Miyerkoles ay hinuli ng mga tauhan ng City Police Drug Enforcement Unit at Anti- Crime ang suspek na isang estudyante.
Ang bente dos na suspek ay tinukoy ng awtoridad na Street Level Individual at Newly identified pusher.
Nakuha umano sa kanya ang 3 plastic sachet ng hinihinalang Marijuana, P3,500 bubust money at Cellphone.
Samantala, nahaharap ang binata sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.