Jonvic Remulla, nanumpa na bilang bagong DILG Secretary

Pormal nang nanumpa sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong Department of the Interior and Local Government Secretary.

Kasama ni Remulla ang kanyang pamilya, gayundin ang kanyang ina na si Ditas Catibayan, at ang kapatid nitong si Department of Justice Secretary Boying Remulla.

Read More:  Sara Duterte criticizes Marcos over Banga school shooting

Ginanap sa study room ng Malacañang ang panunumpa ng bagong kalihim ng DILG.

Read More:  Baste cannot blanket-invoke self-incrimination, prosecutor says

Nabatid na ang pagkakatalaga kay Remulla ay kasunod ng pag-resign ni Benhur Abalos dahil sasabak sa pulitika.

Sa ngayon – dalawa na ang Remulla na myembro ng Gabinete ng Pangulo.