Viral sa social media ang video ng pagsagip sa 110 years old na lalake na natagpuan sa loob ng isang kuweba malapit sa Bengaluru, India.
Ayon sa mga otoridad, ang naturang lalake ay kinilalang si Siyaram Baba na isang Hindu saints mula sa Madhya Pradesh.

Nagpaalala naman ang fact checker group na maging maingat sa mga misleading post patungkol sa katauhan at edad ni Baba lalo na’t patuloy ang pagdami ng influencers na nagpapakalat ng maling impormasyon para sa content.