Kung si Jolina Magdangal lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na umulan na lamang ng mga paru-paro sa bansa imbis na tubig sa mga lugar na apektado ng bagyo ngayon na may kahalintulad na pangalan sa kaniya.
Inihayag ito ng TV host sa kaniyang Instagram accounts kung saan ay hiniling niya ang kaligtasan ng lahat ng apektado ng bagyo.
Sa comments section naman ay sinabi ni Karla Estrada, “Omgee sana mahinahon lang ‘yan tulad mo”

Nag-reply naman si Jolina ay sinabi, “Sana nga hindi maging disastrous para ‘di matanggal sa listahan. Haha,”
Bilang reaksyon naman ay sinabi ni Melai Cantiveros, “Please be good to us momshiejols”
Mababatid na natanggal na sa listahan ng mga pangalan ng mga bagyo ang “Yolanda” at “Ondoy” matapos nitong magdulot ng matinding pinsala sa imprastraktura, kabuhayan, at ari-arian ng mga Pilipino nang dumaan ang mga naturang bagyo noong 2013 at 2009.