Pinaplantsa na ng Pilipinas at ng Amerika ang mga detalye para sa kasadong joint patrols sa West Philippine Sea.
Ayon kay National Security Council Assistant director general Jonathan Malaya – posible na itong maikasa sa mga susunod na buwan.
‘Yun nga lang, mayroon pa raw iilang mga logistical issues na kailangan pang iresolba.
Sa ngayon, ang tiyak daw ay maaaring mag-anunsyo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang mga ahensya para sa naturang patrols sa pagitan ng Pilipinas at ng Pentagon.
#