3 wanted sa kasong robbery sa Legazpi City, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado na ng Legazpi PNP ang tatlong wanted person sa kasong robbery sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Brgy. San Roque, Legazpi City.

Kinilala ang mga akusado na sina alyas “John” at alyas “Ralph”, parehong 19 anyos at si alyas “Marco”, 29 anyos na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Naaresto ang mga akusado sa bisa ng warrant of arrest sa nasabing kaso at may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang P36,000.

Kasalukuyan nang nasa kostudiya ng pulisya ang mga nahuling akusado para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *