Inihayag ng Asia’s top pole vaulter na si EJ Obiena na hindi na siya makakalaban sa World Indoor Championships, sa kabila na pasok ang kanyang qualification.
Ayon sa Pinoy athlete, siya sana ang magiging kauna-unahang Filipino home-grown athlete na magko-compete sa naturang event.
Sa ngayon siya ay nasa rank number five at 4th highest jump ng season.
Sa kanyang recent outing, nagtala si Obiena ng bagong Philippine indoor record sa 5.91 meters para sa second place finish sa Perche Elite Tour sa Rouen, France.

siya rin ay may hawak na Asian record na 5.93 meters, na mataas mula sa SEA Games standard na 5.45 meters na naitala niya noong 2019 edition ng Games.