Inihayag ni Jimmy Bondoc na nawalan siyang ng halos isang milyong pisong halaga ng mga music equipment, matapos ang nagyaring sunog sa kanyang studio.
Sa kabila nito, nagpapasalamat parin si Bondoc na ligtas sila.
Kaugnay nito, nagbahagi ang singer ng mga larawan ng kanyang mga musical instruments na sira at balot ng mga abo.
Kabilang sa mga nasirang items ay ang mga cameras, computer, drums, keyboard, at ang kanyang well-loved guitars.
Sa isang video, sinabi ni Jimmy na nagsimula ang sunog mula sa electric outlet.
Samantala, sa halip na humingi ng donasyon para sa kanyang sarili, hiniling nito para sa mga inteesado na tulungan ang kanyang mga kaibigan.
Ayon sa “Let Me Be The One,” “I Believe,” at “Grow Old With You,” singer, na ang isa kasi sa kanyang mga kaibigan ay coma ngayon, at may medical debt na papalo na sa P1 million, habang ang isa ay nahaharap sa financial challenges dahil sa pagpapagamot sa cancer.
