PCA Provincial Office patuloy na nagsasagawa ng updating ng mga datos sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) 

CAMARINES NORTE- Patuloy na nagsasagawa ng Enlisting, Delisting and Updating Process (EDUP) ng mga datos sa  National Coconut Farmers Registry System (NCFRS)   ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nagsimula ito noong August 2 na tatagal hanggang November 9 ng taong kasalukuyan na ginagawa sa ibat ibang bayan.

Unang tinungo ng PCA ang Barangay Maybato sa Paracale, Camarines Norte at kahapon naman ang Barangay Daguit sa Labo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kasabay ng EDUP ay nagsagawa rin ng information campaign tungkol sa RA 11524 o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act at Quality Copra Production si Division Chief Basiliso C. Ababa.

Alinsunod sa naturang batas ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund ay dapat hiwalay at naiiba sa mga regular na pondong inilaan sa PCA.

Kaugnay nito ay inanyayahan ng PCA ang lahat ng mga magniniyog sa mga nakalistang barangay na dumalo sa EDUP.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Makikita sa official facebook account ng PCA Camarines Norte ang schedule ng ginagawang EDUP at ang mga dapat dalhin ng mga magsasaka ng niyog.

Maaaring makita sa barangay ang mga listahan ng rehistradong magniniyog sa database system sa posting schedule sa inyong barangay.

(Photos: PCA Camarines Norte)