Opisyal nang nagtapos ang walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspirant candidates sa 2025 Midterm Elections.
Ayon sa Comission on Elections, umabot sa 184 ang bilang ng mga naghain ng COCs sa pagka-senador, habang 190 naman sa hanay ng mga partylist.
Kabilang sa mga kakandidato ang ilang personalidad, tulad nina Willie Revillame, Kiko Pangilinan, Atty. Vic Rodriguez, Rodante Marcoleta, maging si Pastor Apollo Quiboloy.
NAGING MAPAYAPA
Sinabi ng Manila Police District na maituturing na mapayapa at organisado ang nagdaang 8-araw na paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato sa Eleksyon 2025.
Ayon sa pamunuan ng MPD naging maigiting rin ang pagbabantay ng halos 500 mga pulis sa tent ng Manila Hotel kung saan naghain ng COCs ang mga tatakbong senador at mga party-list at sa ilan pang venue ng filling sa Metro Manila.
Sumailalim umano ang lahat ng mga pulis sa MPD sa full status o ang pagpapaliban ng kanilang mga day-off upang masiguro ang siguridad sa mga naging venue sa loob ng walong araw.
Maliban dito, umalalay din ang MPD sa pagsasagawa ng checkpoint malapit sa Manila Hotel kahit tapos na cut-off sa paghahain ng kandidatura sa nasabing lugar.