Jason Abalos at Vickie Rushton ibinahagi ang prenup photos

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton ang kanilang ‘stunning’ prenup photos sa Nueva Ecija.

Ayon kay Abalos ang naturang mga larawan ay kinuha noon pang December 2021. Ilan din sa mga larawan ang Ibinahagi ni Rushton sa kanyang sariling instagram account na may nakalagay na caption “One of the best things that happened in 2021.”

Kasabay nito nagpasalamat din ang dalawa sa mga bumati sa kanila sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Nabatid na noong nakaraang linggo lamang Inilahad Nina Abalos at Rushton na engage na sila noon pang nakaraang taon.

Hindi pa naman inanunsiyo ng dalawa ang petsa ng kanilang kasal.