Infectious disease expert, umapela sa gobyerno na bantayan ang pagpasok ng monkeypox sa SouthEast Asia

Naniniwala si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante kinakailangang magkaroon ng pag-aaral sa polisiya ng bansa pagdating sa paglabas pasok ng mga foreign travelers.

Ito sa gitna ng banta ng nakahahawang ‘monkeypox’ – sakit na kasalukuyan nang na-detect sa sa ilang mga bansa sa Europa, North America, at sa Canada.

Ayon kay Dr. Solante, bagamat wala pa namang kaso nito sa Pilipinas, kinakailangan pa ring mahigpit na magbantay ang ating mga health officials, lalo na kung nakapasok na ito sa SouthEast Asia at mga kapitbahay na bansa.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Para naman kay former NTF adviser Dr. Tony Leachon, dapat magkaroon ng gobyerno ng ‘education campaign’ hinggil sa sakit na ito.

Dahil wala pang bakuna sa ngayon na nagagawa para sa monkeypox, mas mahihirapan aniya ang gobyerno lalo na’t ang bakunahan sa COVID-19 booster shots ay mayroon pa ring delay.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Suportado rin nito ang paghihigpit sa borders ng bansa sa mga bansang mayroon nang kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Mababatid na una nang sinabi ng DOH na wala pang nade-detect nito sa Pilipinas – ngunit pinaalalahanan ang publiko na panatiliin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards dahil maliban sa iwas-COVID-10 na ito, nakatutulong pa ‘yan sa pag-iwas sa monkeypox.
#