Japanese government, magha-hire ng mas maraming Pilipino sa “elderly care” sector ayon sa liderato ng Kamara

Nagkasundo ang Philippine congressional delegation at top Japanese parliamentarians na pangungunahan ang pag-hire ng Japanese government ng mas maraming Pilipino sa mahahalagang sektor.

Nasiguro ang commitment sa ginanap na high-level discussions sa Tokyo sa pangunguna nina House Speaker Martin Romualdez at National Diet of Japan Speaker Fukushiro Nukaga at Vice-Speaker Banri Kaieda.

Sa naturang pulong ay kinilala ni Kaieda ang demographic challenges ng Japan at ang di matatawarang kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa.

Humaharap aniya ang Japan sa problema ng pagbagsak ng populasyon kaya pinahahalagahan nito ang mga Pilipinong manggagawa lalo na ang nasa sektor ng elderly care.

Pagtitiyak ni Kaieda, handa silang tumanggap ng mas maraming Pilipino na ikinalugod naman ni Romualdez at iginiit ang potensyal ng enhanced cooperation at investment sa human resources.

Sa pamamagitan umano nito ay makikinabang ang mga Pinoy sa best practices at advanced technology na mayroon ang Japan.

Nasa tatlongdaang libo ang Pilipinong nasa Japan kung saan 164,000 ang nagtatrabaho sa caregiving, agriculture, hospitality at manufacturing sectors.

Bukod dito, siniguro ng Japan officials ang pagpapatuloy ng kooperasyon upang tulungan na makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng 1,400 Japanese companies na nag-o-operate sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *