2 protection agents na naaaresto dahil sa iligal na pagbibigay ng serbisyo sa isang Filipino-Chinese, kinasuhan na

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 11917 o “Private Security Services Industry Act” ang dalawang illegally deployed protection agents na naaresto dahil sa pagbibigay ng serbisyo sa isang Filipino-Chinese businessman sa BGC, Taguig.

Ayon sa PNP Civil Security Group, pormal na naisampa ang kaso sa Taguig City Prosecutors Office laban sa 2 indibidwal noong June 11.

Kabilang din sa kinasuhan ang licensee ng isang Protective and Detective Agency.

Ang kaso ay resulta ng isang police operation na pinangunahan ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies kasama ang Taguig City Police Station noong June 3.

Kabilang sa nakumpiskang gamit sa mga ito ang 2 baril, magasin at mga bala.

Ang operasyon at pagsasampa ng kaso ay bahagi ng crackdown ng mga awtoridad laban sa illegal protection activities sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *