Japan, nangakong hindi na hahayaan na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas

Nangako si Japanese Ambassador Endo Kazuya na hindi na nila muling hahayaan na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas.

Ginawa ni Kazuya ang pahayag sa ika-82 paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Bataan kahapon.

Determinado aniya ang mga Hapon na hindi na ulit ito mangyayari para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon

Muli ring pinagtibay ng Japanese envoy ang pangako ng kanyang bansa na panatilihin at palakasin ang rule-based international at maritime order, sa gitna ng kasalukuyang mga internasyunal na salungatan at complex security environment sa Indo-Pacific Region.

Dagdag pa ni Kazuya, iiaasahan ng Japan ang makasaysayan at kauna-unahang Japan-Philippines-US summit meeting ngayong linggo na nagsisilbing testamento sa higit pang pagpapalakas ng trilateral cooperation ng tatlong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *