Dagsa ng mga pasaherong uuwi sa Naga City mula NCR ngayong Christmas Season, hindi gaanong mararamdaman ng Bicol Central Station

NAGA CITY – Hindi nakikita ng Bicol Central Station sa Naga City ang sitwasyon na pagdagsa ng mga pasahero mula sa National Capital Region patungo sa iba-ibang probinsya sa rehiyong Bicol, kundi ang pabalik na ng Maynila.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Nonoy Reforsado, Terminal Manager.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, hindi gaanong mararamdaman ang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa lungsod dahil paisa-isa lamang, nagkataon kasing araw ng Sabado at Linggo ang mismong kapaskuhan.

Maging pagdagdag ng bilang ng biyahe ay posible ring hindi magiging problema kahit na inaasahan rin ang pagdatingan ng mga pasahero bago ang mismong araw ng kapaskuhan, ang talagang inaalala at mas pagkaka-abahalahan nila ngayon ay ang unang Linggo ng Enero 2023 kung saan halos sabay-saba ang pagsibalikan na ng mga pasahero sa Maynila.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system