Binigyan na ng green light ng European Union ang dengue fever vaccine na gawa ng Japanese pharmaceutical company na Takeda.
Ayon sa World Health Organization, ang dengue na dala ng lamok ay maaaring magdulot ng hemorrhagic fever at makahawa sa tinatayang 100 hanggang 400 milyong tao taun-taon, bagaman higit sa 80% ng mga kaso ay walang sintomas.
Sinabi ng Takeda Pharmaceutical na ang bakuna nito na ibinebenta bilang Qdenga, ay binigyan ng regulatory approval ng European Commission noong Huwebes para sa mga taong may edad na apat at pataas, anuman ang kanilang kasaysayan ng pagkakalantad sa virus.

Ang isa pang bakuna sa dengue, ang Dengvaxia ang kauna-unahan sa mundo laban sa sakit ay magagamit na sa European Union ngunit para lamang sa mga naunang nakumpirmang impeksyon.
Naging paksa ng kontrobersiya ang Dengvaxia noong 2019 nang ipagbawal ito ng Pilipinas dahil sa mga safety concerns.//CA