NAGPASALAMAT si Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat kay Senador Christopher Bong Go sa medical financial assistance na kaloob nito para sa mga kababayang Indigenous People sa bayan.
Ito ay kasunod ng isinagawang turnover ceremony kahapon ng 700 thousand pesos na medical assistance sa Datu Odin Sinsuat District Hospital kung saan mismo ang alkalde ang nagturnover kay Chief of Hospital Dra. Deevah Samama-Sinsuat at Municipal Health Officer Dr Anwar Nur.
Ang nasabing medical assistance ayon sa alkalde ay sa ilalim ng Medical Assistance for Indigenous Program o MAIP.
Kung maalala, noong nakaraang taon ay naglagak din ng pondo ang ilang mga senador ng kahalintulad na medical assistance para sa mga mahihirap at walang kakayanang magbayad ng kanilang hospital bill na inisyatiba mismo ng alkalde.