Inihayag ng Health Ministry ng bansang Italy na bagama’t hindi na require ang pagsususot ng facemask sa kanilang bansa, kinakailangan pa rin na mag-ingat ng lahat ng mga residente doon laban sa Delta variant ng covid-19.
Ayon kay Health Minister Roberto Speranza, sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila maikokonsidera na wala nang transmission ng virus sa bansa dahil sa posibilidad na kumalat din sa Italy ang Delta variant.
Mababatid na nito lamang nakaraang linggo ay maaari nang lumabas ng bahay kahit walang mask ang mga mamamayan ng Italy matapos na bumaba ang banta ng COVID-19.
Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay klinasipika ng health ministry ang 20 rehiyon sa Italy bilang “white”, ang pinakamababa sa apat na kategorya sa ilalim ng color-coded classification system na sumusuri sa banta ng COVID-19.
Samantala, sa kabila nito ay may mga ilang Italyano pa rin ang nagsusuot ng kanilang face masks bilang pag-iingat o dahil nakasanayan na.
Samantala, nasa one-third na ng kabuuang populasyon sa Italy o katumabs ng 17.8 million na indibidwal ang fully vaccinated na.