Italy, ginawang mandatory ang COVID-19 health pass para sa lahat ng mga empelyado

Inaprubahan ng Italian government ang ilan sa mga pinaka-istriktong COVID-19 measures sa buong mundo.

Kasama sa mga ito ay ang pagre-require sa lahat ng mga empleyado na magpakita ng alin man sa mga sumusunod: proof of vaccination, negative test, o patunay na sila ay naka-recover mula sa infection.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Ipatutupad ang mga bagong patakaran sa October 15, bilang bahagi ng efforts ni Prime Minister Mario Draghi na himukin ang mga tao na magpabakuna.

Inihayag ng mga ministro na pwedeng masuspindi at hindi masahuran ang sinumang empleyado na mabibigong magpresenta ng valid health certificate.

Read More:  Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16

Gayunman, iginiit nila na hindi sila pwedeng masibak mula sa trabaho.

Sakali naman suwayin ng mga tao ang nasabing patakaran at pumasok pa rin sa trabaho, ay pwede silang pagmultahin ng 600 hanggang 1,500 Euros, habang nasa 400-1000 euros naman ang multa para sa employers.