Italiana, kayang palobohin ang dila

Natupad na ang panagrap na world record ng isang italiana na si Ambra Collina dahil sa kakaibang kakayahan nito na palakihin ang kanyang dila sa isang spherical na hugis.

Noong una daw ay hobby niya lang ang pagpapalaki o pag-inflate ng dila para patawanin ang kaniyang mga kaibgan kaya hindi niya akalain na magkakaroon siya ng world record dahil dito.

Si Ambra, 37-anyos ang opisyal na nag-claim ng record para sa pinakamalaking circumference ng dila (babae) na may sukat na 13.83 cm (5.44 in).

Napatalsik niya sa pwesto si Jenny DuVander ng USA dahil sa kanyang dila na kasing laki ng isang pingpong ball.