Babae nadamay sa police operation, patay

Patay ang isang 21 taong gulang na babae matapos madamay umano sa ginawang police operation sa Bislig City, Surigao del Sur.

Ayon sa Bislig City Police Station, nagsasagawa sila ng surveillance operation laban sa isang wanted person sa kasong murder.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Bumunot ng armas ang suspek kaya napilitang barilin ito ng mga pulis ngunit ang babae ang tinamaan.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Nakatakas ang wanted habang dinala naman sa ospital ang babae ngunit binawian na ito ng buhay.

Sasampahan ng kaso ang pulis na nakapatay sa babaeng biktima.