Senador, muling umapela sa pangulo na i-ban na ang POGO sa bansa

Muling nanawagan si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian kay Pangulong Ferdinand Marcos na i-ban na sa bansa ang anumang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ito ay matapos kumpirmahin ng otoridad na anim sa mga POGO workers na nasalakay sa scam hub sa Bamban Tarlac ay napag-alamang wanted sa China dahil sa iba’t ibang krimen.

Kaugnay nito, ipinunto ng senador na kriminal pa ring maituturing ang mga nag-ooperate rito sa kabila ng pagpapalit nito ng pangalan mula sa POGO papuntang Internet Gaming Licensees (IGL).

Dagdag pa niya, nakakabahala rin ang unti-unting paglipat ng mga ito sa probinsya dahil mas nagiging mahirap na ang paghahanap o pagde-detect sa kanilang pinagtataguan.

Alinsunod nito, tanging rekomendasyon lang niya ay pabilisian ang executive action tungkol dito upang agad na itong matapos at mapalitan ng mga legitimate businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *