Istriktong pagbabantay sa mga border ng Palawan vs. COVID-19 Indian variant, hiniling ng Sanggunian Panlalawigan.

Hiniling ng Sangguniang Panlalawigan sa Philippine Coast Guard, Bantay Palawan at Bantay Dagat na lalo pang higpitan ang pagbabantay sa mga border o boundary at karagatang sakop ng Balabac at Bataraza dahil sa posibleng banta ng COVID-19 Indian variant.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ayon kay Board Member Sharon Abiog-Onda,meroong ulat na ang bansang Malaysia ay mayroon ng naitalang Indian Corona Virus.

Nais lamang ng mambabatas na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga border sa lalawigan upang hindi makapasok ang bagong variant sa lalawigan.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Inaprobahan agad ng sangguniang panlalawigan ang resolusyon na ito ng mambabatas.

Samantala, kahapon, May 11 ay inanunsyo ng Department of Health na  na-detect sa 2 seaman galing sa Middle East ang India Variant pero wala silang travel History sa India.