Israeli PM Netanyahu – nagbabala sa mga miletanteng grupo sa Gaza

Iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi niya titigilan ang mga militanteng grupo sa Gaza.

Sa unang anibersaryo ng Hamas invasion sa Israel, nangako si Netanyahu na makakamit ng Israel ang tagumpay laban sa militanteng grupo sa Gaza strip at Lebanon. Inihayag din niya ang naranasan aniya nilang dagok sa loob ng isang taon. Sa panig naman ng Hamas, tinawag ng grupo ang kanilang inilunsad na October 7 attack bilang glorious na itinuturing nilang kasaysayan ng mga Palestinians sa kanilang laban.

Samantala, libo-libong Israeli ang nag-vigil para ipagdasal ang mga nasawi sa pag-atake ng grupong Hamas sa Israel kasabay ng anibersaryo ng bakbakan.