Inanunsyo ng Israel na sisimulan na nito ang pag-alok ng third dose ng Pfizer Inc vaccine sa mga adults na may mahinang immune systems.
Gayunman, wala pang pinal na desisyon ang Israel kung ipagagamit nito ang booster shots sa general public.
Una nang sinabi ng Pfizer at ng partner nito na BioNTech SE, na nagsisilbi bilang pangunahing vaccine suppliers ng Israel para sa vaccination rollout nito na nagsimula noong Disyembre, na hihilingin nila sa US at European regulators sa mga susunod na linggo na i-otorisa ang booster shots.
Ipinunto ng dalawang kompanya na tumaas ang risk ng infections matapos ang anim na buwan mula nang humingi sila ng permiso para sa ikatlong shot.

Sa kabila naman ng mga kritisismo na natatanggap ng ilang dalubhasa at opisyal, ay hindi ipinakita ng mga kompanya ang kanilang datos na nagpapakita sa risk, ngunit sinabi nito na maisasapubliko rin ang datos sa lalong madaling panahon.
Iginiit ni Health Minister Nitzan Horowitz na inaalam pa nila ang isyu, at wala pa silang pinal na sagot.
Mababatid na kalahati ng 46 na pasyente na naidala sa pagamutan sa Israel ay may severe condition habang ang karamihan naman sa mga ito ay mula sa risk groups.
Tinatayang nasa 5.7-million na ng 9.3-million population ng Israel ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.