DND, iginiit na para sa ongoing projects nito ang mga unclosed bank accounts ng ahensya

Aminado ang Department of National Defense na hirap ito sa pagpapasara ng bank accounts ng Armed Forces of the Philippines na tinukoy ng state auditors bilang unauthorized.

Sa isang pahayag nitong Linggo, ay sinabi ng DND na naglabas na ito ng mga panuntunan sa AFP kaugnay sa mga unclosed bank accounts nito, kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA).

Mababasa sa pahayag nito na pinoproseso na ng DND-AFP ang closure ng mga nabanggit na accounts alinsunod sa COA guidelines.

Read More:  De Lima says senate not a ‘sanctuary’ for Bato

Gayunman, sinabi sa pahayag na hindi pwedeng mapasara kaagad ang iba pang mga accounts ng AFP dahil nagsisilbi ito bilang depository accounts ng kanilang mga kasalukuyang proyekto, na karamihan ay may multi-year obligations.

Kamakailan ay ibinunyag ng COA sa 2020 annual audit report nito na bigo ang AFP na ipasara ang 20 unauthorized bank accounts nito na may kabuoang balanse na aabot sa mahigit P1.81-billion.

Nalaman sa report na may tatlong unauthorized bank accounts sa ilalim ng AFP Modernization Act Trust Fund- Central office na may mga balanse  na nagkakahalaga ng mahigit P1.34-billion; walong accounts sa ilalim ng AFP Educational Benefit System Office na nagkakahalaga ng mahigit P347-million; dalawang accounts sa ilalim ng AFP Real Estate Office na nagkakahalaga ng mahigit P84.3-million; at pitong accounts sa ilalim ng GHQ Central Officer na nagkakahalaga ng mahigit P37.7-million.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Ipinunto ng state auditors sa ulat na sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA), ay minamandato ang lahat ng mga ahensya na ipasara ang mga accounts nito at i-forward ang lahat ng kanilang mga balanse pabalik sa Bureau of Treasury, kung walang legal na basehan ang creation nito.