CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health nitong Martes na nananatiling nasa high risk level ang tatlong bed components sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa COVID- 19 ulat sa bayan nasa 71. 7 % ang nagamit na isolation beds, 83. 7 % sa COVID ward beds at 71. 4 % sa ICU beds.
Sa kabuuan sa 156 beds for COVID na inilaan ng probinsiya nasa 117 ang nagamit o 75 % na puno
Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nararanasan ngayon sa rehiyon ang tinatawag na “exponential increase” ng mga kaso ng COVID- 19 dahil pataas nang pataas ang daily average.
Ito ay dahil na rin umano sa variants of concern na mayroon sa rehiyon.
Sa Camarines Norte tatlo ang naitalang Delta variant habang pito naman ang Beta.
Nang tanungin kung paano mapipigilan ang pagkalat ng sakit, sinabi ni Nuyda na mangyayari lang ito kung makikipagtulungan ang bawat isa.
Aniya, itong pandemic ay laban ng lahat at kailangang kailangan ang kooperasyon ng bawat isa para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
