Go nagbigay pugay sa serbisyo at sakripisyo ng mga medical workers kasunod ng pag-adopt ng Senate resolution sa 43rd National Physicians’ Day

Bilang pagpupugay sa National Physician Day nagapahayag ng suporta si Senador Christopher Bong sa sakripisyo ng mga medical workers sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa senate resolution 916 na inihain ng mga senador kinilala nito ang katapangan ng mga doktor na gamutin ang mga may sakit kahit ma-expose ang mga ito sa nakakamamatay na virus.

Agad naman inadopt ang naturang resolusyon kasabay ng komemorasyon ng National Physician’s Day.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Senador Go, batid umano niya na pagod na ang mga healthcare workers lalo’t halos dalawang taon na itong matapang na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Nangako si Go na patuloy na susuportahan ang mga measures na makakatulong para mapagaan ang trabaho ng frontliners.

Kabilang naman sa mga isinusulong ni Go ay ang Senate Bill No. 2398, o kilala rin bilang Allowances and Benefits for Healthcare Workers Act of 2021.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Layon nito na lahat ng HCWs na nagtratrabaho sa health o health-related work sa mga health facilities ay mabigyan ng fixed monthly COVID-19 special risk allowance, maliban sa ibinibigay na hazard pay alinsunod sa Magna Carta of Public Health Workers kapag mayroong public health emergency.