Nabigyan na ng tulong ang mga residents sa Isla ng Cawili, Barangay Magsaysay, Cagayancillo, Palawan kahapon, January 4, 2022.
Ayon kay Municipal Mayor Sergio Tapalla, ang mga food packs ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan na dinala naman ng Black Hawk ng Philippine Airforce sa pangunguna ni Major Jhon Delagado.
Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga mamamaya na nagbayanihan para maihatid ito.
Nakahanda na rin ang relief goods mula naman sa Lokal na Pamahalaan ng Cagayancillo patungong din sa Isla na sa ngayon ay ginagawan ng paraan kung paano maihahatid dahil sa lakas ng alon sa lugar.
Samantala, matatandaan na ang Bayan ng Cagayancillo ay isa rin sa munisipyo na tinamaan ng bagyong Odette.
Photo credit: SGT. ROY JANAIRO