Isinusulong na suspensyon sa rate hike ng PhilHealth, suportado ng ilang senador

Sinuportahan ng mga senador si Health Secretary Ted Herbosa sa kanyang kahilingan na suspindihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng premium rate ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 2024.

Kabilang rito ang sponsor ng Universal Health Care (UHC) Law na si Senator JV Ejercito, na naghain ng panukalang batas na nagsasaayos sa PhilHealth premium rate increase.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Nagpahayag rin ng kaparehong sentimyento si Health committee chairperson Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, at sinabing patuloy pa ring nahihirapan ang ilang Pilipino sa epekto sa ekonomiya ng pandemya.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng PhilHealth premium rate hike ay hindi lamang magsisilbing “considerate” na desisyon kundi maging sensitibo din sa mga pasanin sa ekonomiya ng bansa.

Kinumpirma naman ng Malacañang kasalukuyang pinag-aaralan ng Pangulo ang rekomendasyon.