Isang travel agency na ilegal na nag-aalok ng trabaho sa Japan, sinalakay ng DMW; 2 illegal recruiter, arestado

Isang travel agency ang ipinasara ngayong araw ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong City matapos magpositibo na nag-aalok ito ng trabaho sa Japan nang walang kaukulang lisensya.

Sa ikinasang entrapment at closure operation ng DMW, naaresto ang dalawang babaeng empleyado ng Thrifty International Travel and Tours Inc. matapos alukin ang kanilang undercover operative ng trabaho sa Japan bilang household worker na may buwanang sahod na P60,000 at pinagbabayad ng halagang P60,000 para sa paunang bayad.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Alok din ng naturang agency ang trabahong construction worker sa kaparehong bansa na may arawang sahod na P3,800.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, direct hire arrangement ang siste ng naturang agency at no nihonggo required.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Bukod sa Japan, nag-aalok rin ang agency ng trabaho sa Italy at nirerefer sa isang recruitment agency ang mga nabibiktima nila.

Ito na ang ikalabing apat na establisyimiyentong ipinasara ng kagawaran ngayong taon.

Patuloy naman ang paalala ni Cacdac sa mga nais magtrabaho abroad na maging matalino at wagpaloko at pumatol sa mga hindi lisensyadong agency gaya ng Thrifty International.