Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang hiling ng COMELEC en banc na i-deputize ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang law enforcement agency.
Ito ay para sa nakatakdang plebisito bukas sa paghahati-hati sa anim ng barangay Bagong Silang sa Caloocan city.
Nakasaad sa memorandum order number 31 na sinang ayunan ng Pangulo ang Comelec en banc para matiyak ang free, orderly, honest, peaceful, at credible election.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang mga law enforcement agencies at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipag coordinate at cooperate sa COMELEC hinggil sa naturang plebisito.