Isang suspek sa mga palit baril at iligal na droga huli sa ikinasang Drug Buy-Bust Operation sa bayan ng Talisay

CAMARINES NORTE – Nahuli na sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Talisay MPS, katuwang ang CNPIU at 1st CNPMFC nang gawin ang paghuli sa pamamagitan ng isang operayon laban sa tulak ng iligal na droga pasado alas 5:10 ng umaga kahapon sa mismong Purok 3, Brgy. Cahabaan, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ramil’’, 38 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Alawihao. Nakuha sa kanya ang ilang piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang (1) Cal. 38 na baril na walang tatak at serial number na kargado ng tatlong pirasong (3) bala.

Ayon sa PNP, gawain ng suspek ay ang pagnanakaw ng baril at saka ibinibenta o ipinapalit ng illigal na Droga, kung saan sa kanyang estilo kahapon ang naarestong suspek ay natiklo, at inaresto.

Samantala, ang mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng Talisay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *