Isang pumping station at spring source sa Bombon, Camarines Sur, nakahanda na para sa El Niño Phenomenon

CAMARINES SUR- Nakahanda na ang isa pang pumping station at spring source sa bayan ng Bombon, Camarines Sur sakaling magkaroon at makaranas ng pagkukulang sa supply ng tubig sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joy Angeles, General Manager ng Bombon Water District, sinabi nitong may sapat pa namang supply ang kanilang water system at patuloy pa rin ang pagmonitor nila rito. Bukod sa dalawang pumping station na ginagamit nila sa ngayon, may nakastandby naman na isa pang pumping station na nakahanda para sa posibleng paghina sa supply ng tubig.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mayroon din silang nakitang spring source sa Barangay Siembre na maaaring mapagkunan ng tubig na ayon sa una nilang pagsusuri, nakakuha sila ng 10 liters per second na tubig. Sa ngayon, pinag-aaralan pa nilang mabuti ang spring source upang masiguro ang kalinisan nito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

May pakiusap din si Angeles sa publiko na kung maaari ay maging responsable sa paggamit ng tubig at huwag magsayang nito lalo na ngayong tag-init.