Isang pet na piglet, nagbabad sa isang DIY-swimming pool dahil sa init ng panahon

Kung akala niyo na tayo-tayong mga tao lang ang naiinitan, mali kayo!

Dahil kahit ang mga alaga nating hayop ay apektado sa mainit na panahon.

Tulad na lang ng isang biik na ito na nag-trending sa social media matapos makitang nagbababad sa isang palanggana para ma-refresh ngayong summer season.

Kinilala ang piglet na si Junior, na ginawang swimming pool ang batya sa bakuran ng pet owner.

Saad ng mga netizens, SANA ALL ay nakapag staycation lang, milyon milyon pa ang views!

###