Isang pangalan ng negosyo, idinemanda dahil sa pagkakahalintulad nito sa pangalang “Star Wars”

Kalimitan sa mga pangalan ng negosyo ay hango sa mga sikat na pelikula, establisiemento, brand o ano pa man.

Ngunit, minsan, ang paraang ito ay taliwas sa karapatan ng mga nagmamay-ari ng pangalan na ginagaya ng iilan na walang pahintulot man lang.

Ganunpaman, maituturing kayang pagtaliwas sa karapatan ang nangyari kamakailan sa isang car wash business sa Chile?

Ito’y dahil sa nagreklamo at dinedemanda ng LukasFilm; ang may ari ng pelikulang “Star Wars” ang naturang car wash cleaning services dahil sa pangalan nito na “Star Wash”.

Dahil rito, ipinatitigil ng LukasFil ang pagpaparehistro ng nasabing negosyo dahil sa posibilidad na baka mailto umano ang mga tao at isipin na mayroon itong affiliation sa pangalan ng pelikula.

Depensa naman ng may ari na malayo umano ang pangalan nito kaya malabong mailto ang mga tao.

Ngunit, umamin naman ito na inspired ang pangalan sa naturang pelikula maging ang font style nito ay kapareho ng “Star Wars”.

Sa ngayon, patuloy ang pagdinig sa kaso at inaantay pa ang desisyon kung pahihintulutan nga bang gamitin ang nasabing pangalan.###WENCY LISAY