2024 MVP REGIONAL AGE GROUP TAEKWONDO CHAMPIONSHIP, UMARANGKADA SA BAYAN NG LEBAK!

UMARANGKADA na ang 2024 MVP REGIONAL AGE GROUP TAEKWONDO CHAMPIONSHIPsa bayan ng Lebak araw Hulyo 6, 2024 na isinagawa sa Salaman Central Elementary School.

Ang naturang aktibidad ay ang pagsama-sama ng mga iba’t-ibang munisipalidad at mga syudad sa loob at labas ng rehiyon na kung saan nagipon-ipon sa isang sa lugar para sa patimpalak sa larangan ng taekwondo, na kung saan ginanap sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Peter paul bocala solivio isang manager instructor, aniya mayroong labing isa (11) na munisipyo at syudad na nagsipagtagisan sa nasabing sports na kinabibilangan ng NCTA M’Lang, NCTA Gardians Kidapawan, NTCA Mango Park Libungan, NCTA Makilala, RRTA Isulan, RRTA Esperanza, RRTA Kalamansig, PNP Thunder Esperanza, Isulan National High School, BARMM Cotabato City TKD Dragons at mula sa BARMM Kutangbato TKD Fighters.

Naging host municipality naman ang Lebak ng Belgians Lebak Taekwondo Academy.

Dagdag pa niya, ito ay bukas sa lahat ng gusto sumali o magparehistro dahil ay libre at pwede sa lahat.

Ito rin ay isang paraan para maibaling ang atensyon ng mga kabataan sa mga gadyets at online activities.

Samantala, siya ay nagpapasalamat sa mga opisyales ng LGU Lebak dahil sa buong suporta na binigay nito sa naturang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *