Nanawagan ang National Kidney and Transplant Institute sa Department of Health na dagdagan ang kanilang medical staff dahil sa dumaraming kaso ng leptospirosis sa bansa.

Ayon sa NKTI mayroon na silang 48 na pasyenteng na kasalukuyang naka-admit sa kanilang tanggapan.
Iba pa ito sa mga pasyenteng naghihintay sa emergency room na hindi na ma-admit dahil sa kakulangan ng nurse at doktor.
Sa buong bansa naman ay pumalo na sa 67 ang tinamaan ng leptospirosis mula July 14 hanggang 27.
Ang leptospirosis ay isang virus na nagmumula sa mga dumi o ihi ng hayop tulad ng daga na pwedeng humalo sa tubig baha.