Kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng rehiyon dos, mataas pa rin

Mataas pa rin ang kontribusyon ng sector ng agrikultura sa ekonomiya ng Lambak ng Cagayan noong 2023 bagaman nakapagtala lamang ang Agriculture, Forestry and Fishing ng 26.8% na ambag.

Unang ipinaliwanag na bagaman kilala ang rehiyon sa sector ng agrikultura ay kabilang pa rin ito sa mga service-based region na ibig sabihin ay services sector ang pangunahing contributor sa ekonomiya.

Ipinaliwanag ni PSA RSSO II OIC Engr. Girme Bayucan na ang service sector ay binubuo pa ng labing-isang industriya kaya’t malaki ang ambag nito samantalang isa lamang ang agrikultura.

Sa kabila nito, tumaas pa rin ng 2.2% ang AFF sector kung saan mula sa P117.4 billion noong 2022 ay nagging P119.9 Billion na noong 2023.

Nakapagtala ng 69.7% na kontribusyon ang crops sa AFF na sinundan ng 18% sa livestock, 9.5% sa mga support activities, 2.8% sa fishing at aquaculture habang .004% naman sa forestry and logging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *