Isang linggo bago ang Undas, presyo ng mga bulaklak, nanatili pa ring mababa

Mababa pa rin ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market.

Ito ay sa kabila ng nalalapit na paggunita sa Undas.

Kaugnay nito, hinihikayat ng ilang tindera ang publiko na bumili na ng maaga upang makamura.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Ayon kase sa mga ito, maituturing na “running prices” pa ang presyo ng mga bulaklak kung kaya’t tataas pa ito sa susunod na mga araw.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Sa kasalukuyan, nasa P150 per bundle pa ang mga rosas, malaysian mom’s, at iba pa.

Samantala, pumapalo naman sa P180 ang best seller nilang carnation.