AFP Chief Gen. Brawner, inalerto ang lahat ng units sa posibleng spill-overs sa umiigting na digmaan sa Israel

Inalerto ngayon ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang lahat ng units ng kasundaluhan sa posibleng spill-overs sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas

Sa Kapihan sa Manila Bay, tiniyak ni Gen. Brawner, na nananatiling vigilant ang buong hanay ng AFP katuwang ang Philippine National Police.

Ang pahayag ng AFP chief ay kasunod ng pagtatawag ng International Jihad ng militanteng grupong Hamas sa iba’t-ibang bansa na makiisa sa kanilang kilusan.

Nilinaw din ni Brawner na wala silang namomonitor na anumang paggalaw ng mga teroristang grupo sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *