Isang lalaki sa Russia inaresto ng mga otoridad dahil sa kulay ng kanyang buhok

Dahil sa hair color, inaresto ng mga otoridad sa Russia si Stanislav Netesov.

Ipina-dye kasi ni Netesov  ang kanyang buhok ng yellow, blue, at green na ayon sa mga pulis ay sumisimbolo ito ng Ukraine.

Isa rin umanong pangungutya sa Russian Army ang kulay ng kanyang buhok.

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Netesov matapos siyang humingi ng tulong sa pulis dahil ninakawan siya at inatake ng hindi nakilalang grupo.

Pero nagulat siya dahil sa halip na pakinggan ang kanyang salaysay at tulungan siyang matukoy ang mga suspek mas naging interesado ang mga pulis sa kulay ng kanyang buhok.

Ayon kay Netesov gumawa ang naturang pulis ng report tungkol sa kanyang nagawang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *