Cedric Lee nakakulong na sa New Bilibid Prison

Nakakulong na sa New Bilibid Prison ang negosyanteng si Cedric Lee matapos na matanggap ng National Bureau of Investigation ang commitment order mula sa Taguig RTC.

Hinatulan si Lee sa kasong serious illegal detention with ransom.

Mababatid na kusang sumuko si Lee sa NBI matapos lumabas ang desisyon ng nasabing korte.

Samantala, maliban kay Lee nakakulong na rin sa jail facilities sa Mandaluyong ang convicted na modelong si Deniece Cornejo at Simeon Raz.

Sina Cornejo at Raz ay parehong hinatulang guilty sa kasong illegal detention na inihain ng TV host at comedian na si Vhong Navarro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *