BI – handa sakaling magpatupad ng travel restrictions dahil sa pagpasok ng FLiRT variant

In-place raw ngayon ang mga protocols ng Bureau of Immigration matapos ikumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa bansa ang FLiRT variant ng COVID-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sinabi nitong handa sila sa travel restricitions sakaling ipag-utos ito ng pamahalaan.

Sa ngayon, nakaantabay aniya ang ahensya sa abiso ng DOH hinggil dito.

Wala pa umano silang nakukuhang rekomendasyon kung magpapatupad ng travel restrictions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *