AFP, namataan ang isang research vessel na may bandila ng China sa Catanduanes

Natuklasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang research vessel na “Shen Kuo,” sa karagatan ng Viga, Catanduanes, na matatagpuan sa tapat ng West Philippine Sea.

Ayon sa AFP, nagtangka ang mga barko ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng radio channels, ngunit hindi tumugon ang mga tauhan ng Chinese-flagged research vessel.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Batay sa ulat ng militar, namataan ang barko noong Abril 25 sa layong 60.9 nautical miles silangan sa Rapu-Rapu Island, Albay.

Tiniyak naman ng ahensya na nanantili silang nakakatutuok at nakasubaybay sa anumang hindi awtorisadong barko na nasa maritime domain ng Pilipinas.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Bukod pa rito, nakikipag-ugnayan na ang AFP sa mga kaugnay na ahensya upang tugunan at imbestigahan ang anumang mga ilegal na aktibidad sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa upang matiyak ang seguridad at proteksyon ng mga katubigan.