Isang gurong gumawa ng little “acts of kindness” para sa mga estudyante

Nagpasya ang isang guro sa Masbate na si Ronnie Valladores na gumawa ng “liittle acts of kindness” para sa kanyang mga estudyante sa Anas Elementary School.

Pabiro kasi nitong tinanong ang mga bata kung ano ang kanilang order matapos magkunwaring fast food crew habang recess ng mga bata.

Ang hindi nila alam, kinuha niya talaga ang mga order nito para bilhin ang mga ito.

Bumyahe pa nang sobrang layo ang guro para lang mabili ang mga orders ng kanyang estudyante dahil aniya, bihinra na lang sila makatikim ng ganitong pagkain dahil may kalayuan ito sa kanilang barangay.

Matapos mag viral ang video sa social media, nagsulputan ang mga nais ring tumulong sa mga bata, kung saan nakalikom siya ng maraming donasyon.

Dahil dito, nakapagbigay si Valladores ng mga bagong school uniforms, bagong school supplies, at nakapag set-up pa ng classroom pantry kung sakaling magutom ang kanyang mga estudyante.

Bukod pa rito,isang engineer ng DepEd ang nagdisenyo ng plano sa pagtatayo at gastos para sa kinakailangang silid-aralan nakatakdang magamit sa Setyembre 11.