Isang guro sa Palawan, namahagi ng libreng notebooks sa mga mag-aaral

Namigay ng libreng notebooks ang isang guro mula sa National High School, Taytay District II na kinilalang si Teacher Rosalie Oghayon- Loquiso Panaguiton.

Sa panayam ng Brigada News FM kay teacher Rosalie ang kanyang ipinamahagi ay mga naipong activity notebooks ng mga estudyante since 2017 na nakatago lang sa cabinet, kaya naisipan niyang ipamigay na lamang dahil pwede pa umanong pakinabangan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dagdag pa ng guro, kaysa sunugin ay naisipan niyang ipamigay upang kahit paano ay makabawas sa gastusin ng ilang magulang sa pagbili ng mga gamit at makatulong sa mga estudyante na nakikibaka para sa kanilang kinabukasan na pumapasok pa rin kahit iisang piraso lang ang notebook.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan