Mga suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno, pinag-awayan ang pagdukot at pagbaon ng katawan

Lumantad at nagsalita ang kapatid ng isang suspek na unang idinawit sa pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Ayon kay Jenelyn Ugalino na kapatid ni Jovert Valdestamon, bago madiskubre ang kalansay na hinihinalang kay Jovelyn ay nabanggit umano ng kanyang kuya na napag-usapan nila ni Leobert Dasmariñas na may dudukoting tao.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ito ang naging metsa ng pag-aaway ng dalawa na humantong sa pananaksak sa likod at tagiliran ni Leobert kay Jovert noong August 19, 2022 sa harap ng bahay ng pamilyang Galleno.

Nagtalo muna ang dalawa sa cellphone nang tanungin ni Jovert si Leobert tungkol sa babaeng dudukotin at kung saan ang lugar na huhukayan para ito ay ibaon, na ikinuwento ni Jovert kay Jenelyn.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kung matatandaan, idiniin ng suspek na si Leobert ang nasaksak nitong si Jovert na may kinalaman sa panggagahasa at pagpatay kay Jovelyn.

Si Leobert din ang nagturo sa pulisya ng eksaktong lugar kung saan naiwan ang mga kalansay na pinaniniwalaang sa pinsang nilang si Jovelyn Galleno.